Don't leave your things unattended some may think its the answer to their prayers.

Home » Tags

The verse of Uni Miss

June 19, 2008

Ang daming jokers sa mundo… sa sobrang dami nila, konti nalang mauubos na ang population ng mga serious people!!! Nabibilang nalang sa daliri ang mga araw ng planet earth that we recognized as the planet of life! Ito ay magiging planet of kite…. Bakit kite? Walang…its a joke! wala kasi ako maisip na rhyme ng life.

- - - -toink!- - - -

 OMG!!! I’m turning into one of them!!! I’m……..a…………joke…….Rrrrr…..

Wala akong ginagawang masama!!! I didn’t kill anybody!!! My brother is not a pig!!! His pinoy bigbrother!!! Its another joke!!! I’m a joker….so what! My friends are jokers…. my classmates too… my family are composed of jokers… everyone i see on tv are jokers… people who walk on the street are all jokers…people who don’t walk on street are also big jokers!!! We are all jokers!!! Everybody are all jokers!!! Bill Gates, Gloria Macapagal, George Bush, Osama Bin Laden, Barrack Obama, Sun Yat Sen, Jose Rizal, Juan dela Cruz, Marimar, Sergio, Pulgoso!!!! WAAAAAAAAHHHHHH!!!!

 

Dear Ben,

Bwakanang!!! bakit hindi ka nagrereply sakin? sabi ko kasi sayo palitan mo na yang bateria ng cellphone mo!!! Bumili ka na ng mas maliit at mas bago na hindi na kailangang lagyan ng tubig, iipit sa kilikili at dasalan! Hay naku talaga!

 Alam mo ba…I’ve realized that I’m………..superman!!!

Pwera biro, ako talaga si superman… ayaw mong maniwala…. ok fine… joke lang….

Sincerely Yours and Trully

Pareng Berbaks

 

 Hay naku…minsan nagiging excuse na ng mga tao ang ‘joke’. Joke lang yun… Pwera Joke lang dito… Sa field ng carreer ko… bawal mag joke. Nursing kasi ang course ko. Kapag sinubukan mong magjoke habang nagrerevive ng pasyente…expect that the lightning will strike you breaking you to pieces…

According sa survey…isa sa pinakamasiyahing mga tao daw ang Pinoy… Bakit? Wala rin akong matinong explanation diyan… Hindi ko alam kung bakit habang niloloko tayo at ginag*g* ng mga taga ibang bansa ay malaki pa rin ang ngiti sa ating mga mukha…. marahil dahil sa hirap ng buhay ang tanging panawid gutom ay ang pagtawa…

According naman sa research…literally and pagtawa (laughing) ay nakapag papababa ng pain intensity na nape-perceive ng brain. I don’t know… Sabi naman ng mga chinese tumawa lakas para lumapit swerte!!! Ewan ko lang… pero nung sinukan ko yan habang nanghuhula sa exam… naiyak naman ako sa resulta ng test…

Sapalagay ko, ang ’joke’ ay ginawa para malessen ang pain…or ang depression na nastore mula sa pagod at banas sa labas ng bahay… mula sa traffic na daan hangang sa mas traffic na daan…. mula sa pagtapak ng pupu ng aso hangang sa pagtapak ng pupu ng human… kung makatapak ka ng pupu mababanas ka na… imagine mo nalang kung ang buong paligid ay mapupuno nito!!! Makakatawa ka pa kaya… o mas gugustuhin mo nalang na tawagin si batman…

Jokes….jokes…..jokes…. marami na sigurong napabilib nito…. noong unang panahon mahilig mag-hire ang mga pharoahs, kings and queens, Emperors, sultanates etc ng mga entertainers sa palasyo… Nauso noon ang mga jokes…hindi yung jokes na kasama si Inday!!! yung tipong jokes na may kasamang pagsasayaw at pagkanta… kung ako lang emperor..kukunin ko si sponge as my personal joker…

Nung nauso ang mga stage play ang mga tao ay mas gustong panoorin ang mga comedy shows kaysa sa drama… Okay lang sa kanilang pumila ng isang kilometro para lang mapanood ang mga artistic jokers na ito…. Naisip ko na hindi naman ang mga jokes ang nakakaadik sa mga ganito… ang gustong balik-balikan ng mga tao ay ang strong feeling ng happiness… ito ang nakaka adik. Laughter is a natural response of the body indicating that the stimulus is good. So, it means na kapag tumatawa ka…your responding to a good stimulus. May nakita ka na bang tao na tumatawa dahil nakakita siya ng taong nabundol ng kotse o taong tumalon sa building. Maliban nalang kuns psychotic siya o drug addict…maniniwala ako…

So, ang pagiging masaya ay hindi issue ng pagiging Pilipino…. minsan kasi na-exaggerate ng media… hindi alam ng mga tao na ang mga problemang nararanasan natin political, economical o maging social man ay nararanasan din ng ibang bansa….

Posted by berbux at 12:22 am | permalink | Add comment

te sa vu!!!

June 14, 2008

Its french…it means "Shut up!"

Ben,

Mahal…bakit ang mahal ng bilihin sa 164 ngayon! Ang dating 200 pesos makabibili ka na ng isang set ng damit: polo, pants, sapatos, meron pang accessories…. Ngayon ang 200 pesos matinong sapatos nalang ang mabibili mo… Ang dating 60pesos na ticket sa sinehan ay 120 na ngayon… ultimo popcorn isang malaking bungkos noon ay isang baso nalang ngayon!!! Ang bigas na dati nakakalat lang sa palengke ay isang kilometro ang pila para lang makabili ng 5kilo. Hay naku!!! Ang mahal naman!!!

Oo nga pala..napag-alaman kong hindi ka pala ampon o anak sa labas.. Pasensya ka na sa wrong info. Ang kupal kasi nung source ko! Huwag kang mag-alala…tunay mong magulang ang mga kasama mo… kaya linisin mo na ang kulungan nila… pakainin mo sila ng masarap na saging dahil baka magutom sila… magtanim ka ng puno sa bakuran mo okay!!!

sincerely yours and trully,

Pareng Berbaks

 

Grumaduate ako ng college na hindi alam ang spelling ng Balloon! Akala ko ito’y single "l" double "o". Mali pala. Hindi naman kasi ito tinuturo sa eskwela… Kumbaga parang Intuition mo nalang ang gamitin mo para malaman ang mga simpleng bagay na ito. Parang "common sense".

Pero things change… parang presyo ng bigas at value ng peso…

Ang "common sense" pwede nang ituro sa bata! Meron na tayong special class para sa mga taong wala talagang alam sa common sense o never pang nakaattend ng lesson tungkol dito. May offering na 40 hours, 60 hours hangang 100 hour session. Straight yan walang bladder break o lunch break! Pero kung gusto mo talagang mamaster ang common sense pwede kang mag-enroll. Nag-oofer ang Harvard ng course tungkol sa common sense. BS Common Sense. After 4 years. Swak na Degree Holder kana! Pwede kang magtrabaho kahit saang field ng science basta ginagamitan ng common sense. Kung gusto mong maging pulis! Pwede! Kung gusto mong maging driver? Pwede! Kung gusto mong maging scientist ? Pwede! Kung gusto mong maging presidente ng Pilipinas…kahit hindi ka tapos…yakang yaka! Pwede ka ring maging sculptor o scientist..

Pwede kang magturo assuring na master’s degree holder ka! Kung gusto mo ituloy mo ng Doctoral. Pwede ka ring maging Doctor. Kapag tinanong ka ng pasyente kung ano ang sakit niya sabihin mo lang na hindi niya kailangang mag-alala dahil mamatay na siya at iyon ang kapalaran ng lahat ng tao. "Its just common sense! Duh!" hirit mo pa sabay tawa "Bwahahaha!!"

Kaya lang… hindi ka pwedeng pumasok sa seminaryo at magutloy ng pagpapari. Dahil hindi naman ginagamitan ng common sense ang religion.. Kaya nga usong uso ang religion sa mga tao eh, kasi madali lang siyang matutunan kahit na zero ka sa Common Sense… However… forever…whenever…whoever…cadaver! Ang taong graduate ng BS Common Sense ay mahihirapang matutunan ang religion.

May isang graduate ng BS Common Sense, sinubukan lang niyang alamin ang religion. After 2 weeks nakaconfine na siya sa Mental Hospital! Nakakawindang! Wala na akong balita sa kanya ngayon… grabe!!!

Anyway…ang kursong BS Common Sense ay murang mura lang. Inaabot lang ng 12 pesos per sem. Kahit namamalimos sa lansangan ay pwedeng mag-enroll kaya lang… isang requirement that students fail to give is "focus"! Kailangan mong i-let go ang iyong dreams, beliefs, love life at lahat pa…

Maraming taong nagtangkang matuto. Sa ngayon… wala miski isa sa kanila ang nakatapos ng course na ito. Pero marami pa rin ang gustong mag-enroll.

Ano? Gusto mo pa bang matuto ng common sense?

Posted by berbux at 7:21 pm | permalink | Add comment

Kilala mo ba sha?

June 8, 2008

::::p Sino’ng may kagagawan ng lahat ng itoooooOOOOO!!!! 

me: (emote) Si Ben!!!

Si Ben na hindi nagbabayad ng pamasahe!!!

Si Ben na may walang kinalaman sa global warming!!!

Si Ben na galit sa F4! (Dao Ming Xi!!!)

Si Ben na sumugod sa DIsney Land at nagpapicture kay Betty the pooh!

Si Ben na ang tanging kasalanan ay maging ampon!

::::p Whaat! Ampon si Ben?

me: Oo ampon siya…

::::p akala ko ba anak siya sa labas!

me: Si Ben na anak sa labas? Ibang show yun…

::::p Owss!! joker!!!

me: (mimicking) Ows…barberow! Kung ayaw mong maniwala edi wag mo!!!

::::p Gaga!!! Ako si Ben!!!

me: (stunned)

 

Moral Lesson: may mas nonsense pa ba sa mga adventure ni Spongebob? Oo… iyon ay ang blog na toh!!! Bwahaha!

 

The Adventures of Berbux…

 

First day: Meet Sadako

 

Tama hindi ka namamalikmata! SIya nga yan! Si Sadako, the superstar of the industry of horror movie… And..we are actually best of friends…. parang chubachuchu* Though, she frequently appears in unlikely moments.. Lagi kami nagkukwentuhan! Bigtime pala tong kaibigan ko! Naimbita daw siya sa MTV awards..at ang lola mo nanalo ng Scariest character in a horror movie!

Nagchikahan pa kami tungkol sa mga latest fashion sa underworld. At uso daw doon and mga white beuty products! Actually, magkakaroon daw siya ng comercial sa PLacenta doon eh…Oh di ba! Sosyalan to the max! At ang famous lines niya doon, "My name is Sadako… I love white… whte looks good….

Anyway…I mish u bestfriend!!! Next time na magkita tayo…pagusapan naman natin ang mga usong manicure style sa underworld!!!

 

Second day: Meeting the two talking bus chairs

 

Meet Boo(left) and Bu(right). I really enjoyed discoursing my life to these two incredible creatures. At grabe… mukhang natahimik talaga sila sa mga sinabi ko ah!!!  I guest they are so amazed to my unbelievable communication skills!

Hangang sa last stop ng bus… si Boo nakatawa si Bu naman nakangiti lang sakin… 

Anyway… I miss you guys…enjoy being quiet for the rest of your life!!!

 

Third Day: I found the entrance to the secret world of the MATRIX

 

Actually my counsins and I discovered these secret doors where anyone can enter and explore the wonder of the never-before-seen world of the unknown! As long as malakas ang loob mo! Malay mo ma meet mo pa sila Morpheus, Trinity at si Neo!!! Astig!!!

 

 

  

+++the end+++

Posted by berbux at 11:11 pm | permalink | Add comment