Don't leave your things unattended some may think its the answer to their prayers.

Home » Archives » 19. July 2008

maraming salamat sa inyo

July 19, 2008

umuulan..badtrip…

natapat kasi ang birthday ko ng July kung kailan tag-ulan sa bayan ni Juan…actually hindi naman talga badtrip…kasi taon taon naman tuwing birthday ko ay umuulan… blessings daw yun…

totoo nga siguro..blessings… siguro nga mabait talga ang diyos… kahit na ilang beses ko siyang kinaila… may mga bagay sa buhay ko na maituturing kong blessings: family, friends….at silang lahat… maraming salamat…

ang mga patak ng ulan ay hindi nabibilang…pero bawat patak nito ay nagbibigay buhay sa tuyo at mainit na semento…

7 hours to go before my debu in Plaza Ibarra, Timog avenue… sana makita ko roon ang mga kaibigan ko at mga taong naging parte ng buhay ko…gusto ko silang makita lahat para personal na pasalamatan…

Okasan thankyou sa pang-uunawa niyo sa ‘kin…kahit na ilang beses akong magkamali bilang isang estudyante na nakikipagpaligsahan in your field of expertee…alam kong hindi kita kailan man mapapatayan… I hope you know how much I honor as my mother.

To my dad…thank u sa lahat ng tinuro niyo sa akin… maraming salamat din sa haba ng pasensyang iginugol mo para maituro sa aking ang mga values ng buhay…

To my singko… bro bwisit ka…pero kahit na makulit ka…thank you for being my companion, best friend and buddy… Pagpasensyahan mo na kung makulit ako minsan… sana pagbutihin mo yang pag-aaral mo… kasi pinangako ko na hindi muna ako mag-aasawa hanga’t hindi ka tapos… Susuportahan kita kahit na anong course pa ang gusto mo…

to my highschool friends… sa highschool binuo lahat ng pangarap ko…para pagdating ko ng college alam ko na kung ano ang patutunguhan ko… salamat sa mga kaibigan kong umakay sa akin lalo na sa mga panahong medyo hindi maganda ang kondisyon ko.. Sana magkakasama pa rin tayo hangang sa grand reunion…

to my college friends..Ilang beses akong nabigo sa paghahanap ng mga tunay na kaibigan …. sana hindi ako mabigo sa inyo… marami na rin tayong napagdaanan for 2 years…kayo na ata yung pinakamatatagal kong nakasama sa classroom… kabisado niyo na ang ugali ko… at halos kilala ko na rin kayo… thank you for understanding me…lalo na tuwing may mga tantrums akong hindi maintindihan… through hard times to good times… mula sa pagdodrowing ng organs ng tao hangang sa sabayang pagbigkas…mula sa sangkatutak na return demonstration hangang sa Community Diagnosis… ngayon naman kaya ano? Mula sa pagkuha ng vital signs sa duty hangang sa pag-assist sa doctor sa OR…

maraming salamat sa inyong lahat….

Posted by berbux at 12:23 pm | permalink | Add comment