Don't leave your things unattended some may think its the answer to their prayers.

Home » Post Item » Magtanong ka na ngayon…

Magtanong ka na ngayon…

June 27, 2008

Bale ganito yan eh…

kung hindi mo alam… alamin mo…

paano?

magtanong ka!!!

kapag hindi mo pa rin malaman…tumawag ka sa ABS-CBN at magtanong kay Ernie Barong…

pero dahil imposible nang mangyarin yun… si Kuya kim na lang..

Kung hindi mo pa rin alam… manawagan ka na sa radyo at TV sa taong makakasagot ng mga tanong mo…

kapag hindi mo talga malaman… eh di sumulat ka sa EIC ng Inquirer at sabihin mong  magpapakamatay ka kapag hindi nasagot ang tanong mo!

kapag hindi sila naniwala..padalahan mo ng sampol… —–”example”—–

kapag hindi talaga as in… sumulat ka na sa malacaƱang at sabihin mong pasasabugin mo ang buong Pilipinas kapag hindi mo nakuha ang gusto mo: sagot sa tanong…

 

Magtanong magtanong? Wala namang masamang magtanong…actually mahilig akong magtanong… at maraming tao ang madalas magtanong… Minsan na ring tinanong ni Aristotle ang sarili kaya nagkaroon ng mga sciences.. Si Einstein ay nadiskubre ang formula ng nuclear dahil naniniwala siyang may sagot sa mga katanungan niya… Si Pope John Paul II ay tinanong ang sarili kung karapatdapat ba siya… Si John Nash ay hindi magkakamit ng Nobel Prize kung hindi niya tinanong ang sarili kung totoo ba ang nakikita niya? Si Rizal din ay minsan nag tanong sa lipunan kung saan ba patutungo ang Pilipinas… si Magelan ay nagtanong din kung bilog ba talaga ang mundo ngunit hindi rin niya inabot ang dulo ng kanyang exhibition…

ako may tanong din… Bakit? Ano? Saan?

Bakit ba bilog ang mundo?

Marami bang taong iniisip ang mga bagay na ito?

Ano ba ang naghihintay sa akin pagtapos ko sa pag-aaral?

Suswertihin ba ako?

Mananalo ba ako sa loto kahit na lagpas isang milyon na ang nagastos ko sa pambili ng ticket?

Ang casino ba ay ginawa para sa mga taong mahilig magtanong… “May swerte ba?”

Ang mga aborted fetus at bata sa lansangan ay may pagkakaiba ba?

Matututo ba akong magchinese…balang araw?

Pakikinggan ba ako ng kapatid ko kapag nagsabi akong nakakabastos na siya?

Isang curse ba ng kayabangan ang hindi makakuha ng knock-out si pacquiao sa mga previous fights niya?

Tao lang ba ang marunong mag-isip?

Totoo ba ang Diyos?

Ikaw may tanong ka rin ba?

Posted by berbux at 1:57 pm | permalink

Add a comment