Don't leave your things unattended some may think its the answer to their prayers.

Home » Archives » 14. June 2008

te sa vu!!!

June 14, 2008

Its french…it means "Shut up!"

Ben,

Mahal…bakit ang mahal ng bilihin sa 164 ngayon! Ang dating 200 pesos makabibili ka na ng isang set ng damit: polo, pants, sapatos, meron pang accessories…. Ngayon ang 200 pesos matinong sapatos nalang ang mabibili mo… Ang dating 60pesos na ticket sa sinehan ay 120 na ngayon… ultimo popcorn isang malaking bungkos noon ay isang baso nalang ngayon!!! Ang bigas na dati nakakalat lang sa palengke ay isang kilometro ang pila para lang makabili ng 5kilo. Hay naku!!! Ang mahal naman!!!

Oo nga pala..napag-alaman kong hindi ka pala ampon o anak sa labas.. Pasensya ka na sa wrong info. Ang kupal kasi nung source ko! Huwag kang mag-alala…tunay mong magulang ang mga kasama mo… kaya linisin mo na ang kulungan nila… pakainin mo sila ng masarap na saging dahil baka magutom sila… magtanim ka ng puno sa bakuran mo okay!!!

sincerely yours and trully,

Pareng Berbaks

 

Grumaduate ako ng college na hindi alam ang spelling ng Balloon! Akala ko ito’y single "l" double "o". Mali pala. Hindi naman kasi ito tinuturo sa eskwela… Kumbaga parang Intuition mo nalang ang gamitin mo para malaman ang mga simpleng bagay na ito. Parang "common sense".

Pero things change… parang presyo ng bigas at value ng peso…

Ang "common sense" pwede nang ituro sa bata! Meron na tayong special class para sa mga taong wala talagang alam sa common sense o never pang nakaattend ng lesson tungkol dito. May offering na 40 hours, 60 hours hangang 100 hour session. Straight yan walang bladder break o lunch break! Pero kung gusto mo talagang mamaster ang common sense pwede kang mag-enroll. Nag-oofer ang Harvard ng course tungkol sa common sense. BS Common Sense. After 4 years. Swak na Degree Holder kana! Pwede kang magtrabaho kahit saang field ng science basta ginagamitan ng common sense. Kung gusto mong maging pulis! Pwede! Kung gusto mong maging driver? Pwede! Kung gusto mong maging scientist ? Pwede! Kung gusto mong maging presidente ng Pilipinas…kahit hindi ka tapos…yakang yaka! Pwede ka ring maging sculptor o scientist..

Pwede kang magturo assuring na master’s degree holder ka! Kung gusto mo ituloy mo ng Doctoral. Pwede ka ring maging Doctor. Kapag tinanong ka ng pasyente kung ano ang sakit niya sabihin mo lang na hindi niya kailangang mag-alala dahil mamatay na siya at iyon ang kapalaran ng lahat ng tao. "Its just common sense! Duh!" hirit mo pa sabay tawa "Bwahahaha!!"

Kaya lang… hindi ka pwedeng pumasok sa seminaryo at magutloy ng pagpapari. Dahil hindi naman ginagamitan ng common sense ang religion.. Kaya nga usong uso ang religion sa mga tao eh, kasi madali lang siyang matutunan kahit na zero ka sa Common Sense… However… forever…whenever…whoever…cadaver! Ang taong graduate ng BS Common Sense ay mahihirapang matutunan ang religion.

May isang graduate ng BS Common Sense, sinubukan lang niyang alamin ang religion. After 2 weeks nakaconfine na siya sa Mental Hospital! Nakakawindang! Wala na akong balita sa kanya ngayon… grabe!!!

Anyway…ang kursong BS Common Sense ay murang mura lang. Inaabot lang ng 12 pesos per sem. Kahit namamalimos sa lansangan ay pwedeng mag-enroll kaya lang… isang requirement that students fail to give is "focus"! Kailangan mong i-let go ang iyong dreams, beliefs, love life at lahat pa…

Maraming taong nagtangkang matuto. Sa ngayon… wala miski isa sa kanila ang nakatapos ng course na ito. Pero marami pa rin ang gustong mag-enroll.

Ano? Gusto mo pa bang matuto ng common sense?

Posted by berbux at 7:21 pm | permalink | Add comment