I’m drunk
May 9, 2008Dumating ako sa bahay ng alas-8. Tumambay muna ako sa may-gate na nag-iiba ng kulay tuwing madaling araw. Pinagmasdan ko ito at tiniyak na hindi ako namamalikmata, na ang aking relos ay tama. Dinukot ko mula sa bag ang isang pabango na nabili ko ng 75pesos sa isang prestigious na tindahan sa SM San Lazaro. Inispray ko ito sa buo kong katawan at parang tangang nagpanik nang makita ang isang anino na nakatayo sa may pintuan ng bahay.
Biglang tahol ang aso naming si Dalma…isang siyang Dalmatian. Ngunit, ang aso naming si Fritzy na isang Japanese Fritz ay nakakuyakoy sa kanyang kulunga. Mga sosyal na aso! Buti ako ang natatanging tambayan ay starbucks kung saan ang paboritong inumin ay take-out na Redhorse mula sa grocessery. Pero ngayon hindi ako sa starbucks tumambay dahil masyadong maraming tao. Pumunta nalang ako sa isang bahay ng friend kasama pa ang isa pang malapit na friend na isa ring bitter sa buhay.
Nakakainis… ayaw tumigil sa pagtahol si Dalma at kahit anong spray ang gawin ko ay amoy ko pa rin ang kape sa hiningang binahiran ng alak. AwAwAw!!! Hay naku!!!Siguro nga isa sa mga undiscovered component ng animal instict ay ang malakas na pang-amoy sa alak. Nakakainis… ang anino sa pinto na nakita ko ay isang damit na sinampay sa tapat ng bahay. Kumakabog pa rin ang dibdib ko… Pa’no kapag maamoy ako ng nanay ko…katapusan na ng oras ko sa college…
Pumasok ako sa bahay at diretsong parang walang nakita. Ang aking ina ay nakaupo sa sofa at may tsinetsek na test paper habang ang pinsan kong si kathleen ay nakahiga sa sofa at nanonood ng tv. "Sige ha!’ sermon ng aking ina. Nang tumuntong ako ng college naging matipid na siya sa pangsesermon sa kin maliban nalang noong ako’y nagpaalam na mag-dorm. Wahehe! Isa talaga akong tanga…malakas ang tama! Totoo! Malakas na ang tama ko… buti nga nakapag-para pa ako sa dyip at hindi ako nahulog sa hukay sa quirino highway habang naglalakad papasok ng subdivision namin.
Diretso ako sa study table na nasa ilalim ng hagdanan…ang natatangi kong tambayan habang walang magawa. Nakakainis nga dahil nakaharap ito sa West at nakatalikod sa East. At ayon sa Feng shui ay malas daw. Watever!!! The hell I care…anyway naglagay na ko ng pangotra dun…wahaha!
Sabay kwento sa sine na pinanood ko…ni hindi ko nga alam ang title… sana nagresearch ako bago umiwi… isa talaga akong walang kwentang liar. I’m soooo nervous. Iniwan ko ang gamit ko sa study table at binuksan ang Laptop. Hayup! habang nagloload ang laptop ko ay pumunta muna ako sa kwarto para magbihis. Nakita ko naman ang kapatid ko na naglalaro ng PS2 sa kanyang kwarto… nakatingin siya sakin suspiciously… baka maamoy niya ‘ko. Shykes. Nagpalit nako ng damit at binasa ang uniform na natapunan ng alak. Grabe.. Sana pala nagpalit na ako ng damit sa dorm… may extra uniform naman ako dun eh.
Tinanong ako ng nanay ko kung kumain na ko. Opo, sigaw ko. (Ang sweet talaga ng nanay ko!) Lasing na lasing ako grabe at masarap magsulat sa blog kapag ganito ang sitwasyon. Wahaha…


