Politics of Preschool
May 6, 2008(I just watched a video in Youtube entitled "THe Politics of Preschool" prepared by HeidiVanLier.)
…Maaring 6 years old lang siya at unang beses siyang nakatungtong sa grade one mula sa mga nursery ryhmes ng preschool hangang sa sulat ng ABCD. Kung titingnang maigi masasabing "hindi maaring maging politiko ang isang napaka cute na batang babae", pero isa siyang natural born na politiko. At katulad ng lahat ng politiko kailangan nila ng kaanib (alliance, supporters). Willing silang gawin ang kahit ano makuha lamang ang atensyon ng lahat!
….Masarap siyang kaibiganin. Bukod sa madaldal, ay marami siyang naiisip na iba-ibang ideya. Dahil dito, natutuwa sa kanya ang mga guro kaya madalang siyang pagalitan o pagsabihan. Matinik ang diskarte niya sa pag-amo ng mga kaaway. Bihira mo siyang makikitang nakikipagtalo sa iba. Ibibigay niya kahit ang regalong lapis ng kanyang ama para hindi mahadlangan ng kahit sino ang kanyang mga balak. Matalas ang pang-amoy niya sa mga kaagaw sa kasikatan. Madali niyang napapansin ang mga batang may ugaling hindi angkop sa kanyang panlasa. Kung tutol sa kanya ang isang tao, napupuna niya agad ang mga kilos nito at madalas nalalaman agad kung saan patutungo ang sitwasyong ito.
……Ngunit, nadiskubre niya ang isang malakhing hambalang sa kanyang daan: isang batang lalaki na mas charming kaysa sa pinakamaganda niyang ngiti. Mas matalino, mas cute at mas maraming kaibigan kaysa sa kanya. Ang iba pang mga bata sa klase ay mas gusto siyang kalaro. Napansin ng batanga babae na unti-unting nababawasan ang kanyang mga kaanib, ang kanyang mga titser ay hindi rin kasing bait ‘di tulad no’ng dati, ang kanyang mga pananamit, mga gamit sa eskwela, pananalita, pagtawa, paglalakad at maging ang bawat pikit ng kanyang mga mata ay wala nang saysay sa lahat. Tinututulan na ng kanyang mga classmate ang kulay ng laso sa kanyang buhok at itsura ng kanyang sa sapatos at ang tatak na lapis na kanyang gamit. Para sa lahat, isa na lamang siyang ordinaryong estudyante…isang simpleng bata na ang nais lamang ay magkaroon ng kalaro.
…isang natural born na politiko…
……….Hindi siya mapapatalo sa isang batang lalaki na tanging alam ay bumingisngis habang siya ay nagdurusa sa kahihiyan. Para sa kanya, ang pinakaimportanteng bagay ay kaibigan…suporta ng mga kaibigan… atensyon mula sa suporta ng mga kaibigan… kasikatan gawa ng atensyon mula sa suportan ng mga kaibigan… Basta! Gusto niyang maibalik ang kanyang reputasyon.
……Bagkus, bumili siya ng laruan. Ito ay isang laruan na gawa pa mula sa pinakamalaking toy factory sa ibang bansa. Ito ay yari ng mga pinakamagagaling na kalyadong kamay ng mundo! Isang laruan sikat sa Inglatera, Amerika, Alemanya, India at maging sa Japan, ito ang gagamitin niya laban sa kanyang number one rival!
….Bitbit niya ito papunta sa eskwela… Ang laruan na maingat niyang kinuha mula sa selyadong lalagyan…. Papunta na siya sa eskwela at bawat batang nakakasalubong niya ay paturong nakatingin sa kanyang dala. Para itong nagliliwanag na pagasa para sa kanya. Napangiti siya ng matanawan ang eskwela. Papalapit siya dito at bigla sumambulat sa kanya ang mga batang masayang nakikipaglaro sa batang lalaki na may dala ring mas maganda at mas malaking laruan kaysa sa kanya.
…Parang gumuho ang kanyang mundo… Muli siyang nalamangan… Hindi siya makapaniwala na natalo siya ng isang batang lalaki…
Nakipagnegosyo siya dito. Kinausap niya ng masinsinan, inalok ng pera, ng pagkain, ng bagong tasang lapis. Ngunit, hindi niya gusto ng salapi o kahit anong bagay na mula sa isang batang babae, mas gusto niyang magpakasaya habang alam pa niya ang importansya ng isang laruan. Ayaw niyang makipagsabayan sa politika ng preschool. Mas gusto niyang maging bata.
"Siguro nga…siguro nga… dapat ring tanggapin ang pagkatalo…Minsan…"
Nasabi niya sa kanyang sarili na balang araw makukuha rin niya ang gusto niya at magiging masaya tulad ng batang lalaki. Hangang sa dumating ang araw na masisira ang laruan ng batang lalaki at siya pa rin ang mananalo dahil siya ang mas magaling…mas maganda…at mas matalino.
Pare ko
Pareko by Eraserheads
E. BUENDIA
Pare ko meron akong problema
Wag mong sabihing na naman
In lab ako sa isang kolehiyala
Hindo ko maintindihan
Wag na nating idaan sa mabuting usapan
Lalo lang madaragdagan ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan
Anong sarap
Kami’y naging magkaibigan
Napuno ako ng pag-asa
Yun pala haggang dun lang ang kaya
Akala ko ay pwede pa
(refrain)
Masakit mang isipin kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging siryoso tsaka ka niya gagaguhin
(chorus)
O, diyos ko ano ba naman ito
Di ba
Tangina nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Lecheng pag-ibig to-o-o-oh
O diyos ko ano ba naman ito
Sabi niya ayaw niya munang magkasiyota
Dehins ako naniwala
Di nagtagal naging ganun na rin ang tema
Kulang na lang ay sagot niya
Bat ba ang labo niya
Di ko mapinta
Hanggang kelan maghihintay ako ay nabuburat na
Pero minamahal ko siya-a-ha
Di biro
T.L. ako sa kanya
Alam kong nababaduyan ka na sa mga sinasabi ko
Pero sana naman ay maintindihan mo
O pare ko meron ka bang maipapayo
Kung wala ay okey lang
Kailangan lang ay ang iyong pakikiramay
Andito ka ay ayos na
(Repeat refrain and chorus)
"Love is like seeing a ghost, everyone talks about it but not everyone has experienced it" -Dr. MJ, Hana Kimi
All that I can say about this song is…Ouch!!!


